Saturday, February 9, 2008

Ang Mga Magagandang Nagagawa ng Musika sa Atin


Ang musika ay maituturing isang elemento na siyang nagbibigay ng kakaibang pakiramdam sa mga taga-kinig nito. Ngayon nais kong talakayin kung ano nga ba ang mga magagandang epekto nito sa atin bilang mga taga-kinig. Kung pagbabasihan ang aking karanasan maging ang mga karanasan ng nakakarami, Ang mga karaniwang magagandang epekto ng musika sa atin ay ang paggaan ng ating loob, pagiging komportable at paglakas ng loob.
Ang musika ay masasabing nakapagpapagaan ng ating loob sapagkat sa kalmado at positibong elementong nilalaman ng bawat himig nito. Sa pakikinig ng musika, marami sa atin ay napapawi ang mga problema sa buhay. Sadyang naaalis ng mga musikang ito ang lungkot o hinanakit sa ating puso.
Ang pagiging komportable natin ang isa pang magandang nagagawa sa pakikinig ng musika. Sa kaunting oras na pagpapahinga kasabay ang pakikinig ng musika, mabilis na napapawi ang pagod natin. Naalis din nito yung mga alalahanin natin kaya tiyak nga talagang magiging komportable tayo sa ating kinalalagyan kung may kasamang musika.
Pangatlong magandang epekto ng pakikinig ng musika ay ang paglakas ng ating loob. Bakit kamo? Sa dahilang, ang pakikinig ng musika ay nagbibigay inspirasyon sa atin sa pag-ibig man o sa pangangarap. Sa musikang ito nakahuhugot tayo ng maraming inspirasyon na tumutulong sa atin maging determinado sa bawat gagawin natin, determinado sa pagharap sa realidad ng mundo at determinado sa pagkamit ng ating mga mithiin.
Sa Pangkalahatan, marami talaga ang magagandang epekto sa atin ng musika. Huwag natin kalimutan na eto din ang siyang isa sa may kayang magpakita ng ating kultura ganoon din ang pagiging sandigan ng ating mga gustong ipahayag sa mas masining na paraan. Eto ang musika, isang katangi-tanging elemento sa mundo na nagbibigay at patuloy na magbibigay kulay sa ating buhay.
Eto po si Dennis, sa ngalan ng aking mga ka grupo na sila: Justin Ang, Rael Del Rosario, Lance Apostol at Eric Lam.
Nagpapasalamat.
Propesor: Bb. Beverly Siy

Deskripsyon

Isa itong blogsite na naka-sentro sa aming proyekto ngayong ikalawang semestre sa kursong FIL2 (FILIPINO). Sa Proyektong ito, layunin ko at ng aking mga ka-grupo ang makagawa ng mga epektibong komposisyon na aayon sa kasalukuyan naming tinatalakay sa kursong FIL2, Ang Pagsulat sa Iba't Ibang Disiplina.

Language/Languahe/Wika: Filipino